Kung may isang linggong pag-ibig, sa akin, isang summer love. :)
Siya si Caloy. Kababata ko. Magkapitbahay kami noon pero lumipat sila. Wala na akong balita sa kanya.
Sa rooftop. Ako. Nagpapahangin. Tinatanaw ang mga bituin. Bigla kong naalala si Caloy. Gawain din namin to dati. Ang tanawin at bilangin ang mga bituing nagkikislapan sa langit. Matagal na rin yun. 10 years na. Kamusta na kaya siya?
Yes! Bakasyon na naman. Wala nang pasok. Panahon na ng paglalaro at paggagala. Pero ako, eto, tambay lang sa bahay. Hindi ko na feel ang summer. College na ako at saka parang hindi na bagay sa akin ang maglaro kasama mga pinsan ko.
Brownout. Kaya lumabas ako. Bigla kong naisipang silipin ang bahay nina Caloy. Walang tao. Pero laking gulat ko nang may kumausap sa akin. "anong ginagawa mo miss?" familiar siya. "ah wala..." "Cheng? Ikaw ba yan? Ako to si Caloy. Alala mo pa?"
Nagkuwentuhan kami sa kanila. Napasarap kaya't d na namin namalayang gumagabi na pala. "kailangan ko nang umuwi kuya." hinatid niya ako sa amin. Kinabukasan, dinalaw niya ako at kami'y pumasyal. Araw-araw na naming ginagawa iyon. Pati ang paglalaro sa mga bata't star gazing, muli naming ginawa.
Isang gabi, napag-usapan namin ang tungkol sa aming lovelives :) Nagulat ako nang inamin niyang mahal niya ako at gusto niya akong maging girlfriend. Wala akong masabi kundi "di pwde dahil kapatid lang ang turing ko sayo." Hindi siya kumibo ng ilang minuto. Maya-maya'y bigla siyang tumawa. "biro lang. Hahahaha. Ang seryoso mo naman Cheng. Syempre, magkapatid tayo. Hahahaha."
Kinabukasan, hindi nagpakita si kuya Caloy. "Malamang nagtatampo sakin kasi halata sa mukha niya kagabi na discourage siya. Hihintayin ko na lang mamayang hapon. D naman aq matitiis nun e." Bulong ng aking isipan.
Hinintay ko siya buong maghapon ngunit di siya pumunta. Nang may kumatok sa gate, akala ko siya na. Isang sulat pala ang dumating galing sa kanya.
Dear Cheng,
Pasensya na kung d ko nasabing aalis na kami at d na ako nakapagpaalam...
Parang kailan lang bata pa tayo tapos ngayon, binata't dalaga na. Mamimiss kita. Hindi ko alam kung kailan kami babalik dyan. Kung kailan kita muling makikita. Sana wala ka pa ring boyfriend sa pagkikita nating muli para maligawan na kita ng maayos. Haha. Sana hindi na lang kapatid ang turing mo sa akin. Totoong mahal kita Cheng. Kahit kuya pa tawag mo sa akin, oks lang. Ingat ka parati ha? Mahal kita at mamimiss kita ng sobra. Hinding hindi ko makakalimutang ang summer na to dahil sayo.
Minamahal ka,
kuya Caloy
Talaga ngang mahal niya ako. Mahal ko din naman siya. Pero sana, makalimutan niya na mahal niya ako para ok na. Move on kuya Caloy. :)
No comments:
Post a Comment