tahimik na noon ang buhay ko
maayos at masaya
nang bigla kang dumating at niyanig ito.
natakot ako.
Dahil sa piling mo, lalo akong sumaya...
Baka pag nawala ka,
biglang lumungkot ako at di na manumbalik ang mga ngiti sa aking mga mata :'(
pero sabi mo, indi mangyayari un
kaya't ako'y nagtiwala.
Ibinigay mo ang lahat para sumaya ang buhay natin...
gayon din ako sayo
pinakilala mo ako sa iyong tropa
nagtawanan..
nagkaasaran...
naging malapit ako sa iyong mga kaibigan :)
Sa pagtatapos ng buwan, bigla kang nawala
naglaho na parang bula. :(
ito na ba ang aking kinakatakutan?
Pero..
"hindi kita iiwan, dahil Mahal Kita"
..ang mga katagang iyong binitawan na biglang sumagi sa aking isipan
hinanap kita sa dati nating tagpuan pero wala ka.
pinuntahan kita sa inyo, ngunit d na kita inabutan.
ipinagtanong kita kung kani-kanino dahil hndi ako mapalagay.
Sa wakas!
Nakita rin kita:)
kasama ang mga kaibigan mo,
ako'y inyong pinagtawan... :(
may kaakbayan ka pang babae :'(
"girlfriend ko. 2 years na kami"
gulat kong narinig sayo
hinila mo ako sa tabi at kinamayan.
"NICE GAME"
mula ulit sayo. :'(
nasaktan ako kaya nasampal kita.
ang laki kong TANGA.
naniwala ako sayo at sa lahat ng ligayang hatid mo.
Lahat pala ng ito'y biro lang.
lahat pala'y dahil sa PUSTAHAN :(
No comments:
Post a Comment