Wednesday, January 5, 2011

ano ito?



ano ba talaga ang tunay
bakit mga pangyayari'y di ko maugnay
sa aking dapat na maramdaman
at sa tunay na nararamdaman
sadyang mahirap talagang isipin
ikaw at ako, di pwedeng pag-isahin
ngunit anong uri ito ng pakiramdam?
isa bang sakit na walang kalunasan?
hindi ko talaga maintindihan
isipan ko'y ikaw yata'ng laman
sana'y tumigil na nang malinawan
pag-ibig nga ba ang dahilan?

No comments:

Post a Comment